How to Make Tuna Spread with Cucumber and Mixed Emotions

Ihanda mo muna lahat ng gagamitin mo — tunang delata, mayonnaise, salt, sugar at cucumber — para hindi mo sa akin sasabihin na nabigla ka lang sa lahat ng nangyari at kailangan mo muna ng space. Hayop ka.

Next, buksan mo ‘yung lata ng tuna… Buksan mo nang maigi tulad ng pagbukas ng puso ko sa iyo… Kahit hindi kita type noon, tinanggap kita nang buong-buo at minahal kita.

I-drain mo nang maigi kasi magmumukhang chowder soup ‘yan kapag hindi mo tatanggalan ng tubig.

Sunod, hiwa-hiwain mo na ‘yung cucumber nang maayos. Huwag mo sira-sirain tulad ng ginawa mo sa buhay ko. Nadamay pa ang atay at kidney ko sa kakainom ko gabi-gabi. Tarantado ka.

Tapos, lagyan mo ng mayonnaise at salt. Tikman mo. Subukan mo kung anong lasa. Diyan ka naman magaling — sa patikim-tikim lang. Kung maalatan ka huwag mo iiwanan. Basta huwag mong itulad sa ginawa mo sa akin. Lagyan mo ng askukal para matimpla mo ‘yung lasa.

Ngayon, idagdag mo na ‘yung pepino. Tapos, halu-haluin mo — pabilog ‘yung halo parang pagbilog mo sa ulo ko noong napapa-cute ka pa lang sa akin na sinasabi mo na hindi ka katulad ng mga ex ko. Totoo naman hindi ka nga gaya nila dahil mas animal ka pa.

Pucha ayoko na! Mag-peanut-butter ka na nga lang!